KARETON, NAGING ALTERNATIBONG PAGKAKAKITAAN NG ILANG DAGUPENO SAGITNA NG BAHA‎

Ilang mga Dagupeno ang naghahanap ng alternatibong pagkukuhanan ng kita upang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan sa gitna ng matagal na pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.

‎Isa na rito ang pagkakareton, na naging pansamantalang hanapbuhay ng ilang Dagupeno ngayong kasagsagan ng pagbaha.

‎Ayon sa ilang mga nagkakareton, malaking tulong ito sa mga residenteng kailangang makatawid dahil lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa Dagupan City.

‎Dahil dito, hindi makalusong ang ilang sasakyan at nahihirapan ang mga residente na makarating sa kanilang mga pupuntahan.


‎Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Robert, sinabi nitong naging hanapbuhay nila ang pagkakareton ngayong panahon ng pagbaha.


‎Apat hanggang anim na pasahero ang maaaring sumakay sa isang kareton, depende sa laki at bigat ng mga sakay, upang ligtas itong mabuhat at maitulak ng mga nagkakareton.

‎Kailangan umano nilang kumita habang hinihintay na tuluyang humupa ang baha sa ilang bahagi ng Dagupan City, lalo na’t hindi pa rin makapagbukas ang ilang establisyimento at lugar na karaniwang pinapasukan nila bilang hanapbuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments