RMN Biyahenihan, umabot sa mahigit 250 pasahero ang naserbisyuhan

Umakyat na sa 253 ang mga pasaherong naserbisyuhan sa dalawang araw na libreng sakay na handog ng RMN Biyahenihan katuwang ang Alagang Seaoil.

Bukod sa libreng sakay may mga nabigyan din ng papremyong ₱100.

Ngayon ang huling araw na pag-iikot ng RMN Biyahenihan sa West Point kanto ng Aurora Blvd., hanggang Welcome Rotonda sa Quezon City.


Ang maagang Pamasko ay hatid ng Alagang Seaoil, 93.9 i-FM at DZXL Radyo Trabaho.

Facebook Comments