Thursday, September 3, 2026

ROAD CLEARING, PINAIGTING SA UPLAND BARANGAYS NG SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando ang pagbabantay at mga hakbang pangkaligtasan sa mga upland barangay kasabay ng malakas na pag-ulan sa lungsod.

Isinagawa ang road clearing operations sa mga kalsada sa Barangay Siboan-Otong, Nagyubuyuban, at Pacpaco sa pangunguna ng Team Project SAFE ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO.

Layunin ng operasyon na matiyak na mananatiling passable at ligtas ang mga pangunahing daanan, partikular sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagguho ng lupa, pagbagsak ng mga puno, bato, at iba pang debris dulot ng malakas na pag-ulan.

Patuloy namang nakaantabay ang Pamahalaang Lungsod sa pangangailangan ng iba pang mga barangay upang agad na makapagbigay ng tulong sakaling magkaroon ng insidente o emergency dahil sa sama ng panahon.

Muling pinaalalahanan ang mga residente, lalo na ang mga nakatira sa mga upland at landslide-prone areas, na manatiling alerto at unahin ang kaligtasan ng sarili at pamilya.

Pinapayuhan din ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan at agad na sumunod sa mga tagubilin ng mga awtoridad sakaling kailanganin ang paglikas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments