Thursday, September 3, 2026

‎₱4.40, BAWAS SA PRESYO NG LPG NGAYONG BUWAN NG SETYEMBRE

‎Ipatutupad ngayong buwan ng Setyembre ang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas o LPG, ayon sa Department of Energy (DOE).

‎Ayon sa DOE, ₱0.40 kada kilo ang ibabawas sa presyo ng LPG, katumbas ng ₱4.40 bawas sa isang 11-kilogram na tangke.

‎Iniuugnay ang rollback sa pagbaba ng freight cost o gastos sa transportasyon ng produkto, na siyang nagpababa sa presyo ng cooking fuel sa kabila ng pagtaas ng international LPG Contract Price.

‎Isa sa mga pangunahing konsyumer ng LPG ang mga may-ari ng karinderya.

‎Gayunman, ayon sa ilan may-ari, wala pa umano silang napapansing pagbabago sa presyo ng LPG mula sa kanilang pinagkukunan.


‎Samantala, sinabi ng isang pribadong kumpanya ng LPG na nagpatupad sila ng price freeze bilang tugon sa kakapusan ng mga konsyumer bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat.


‎Dagdag ng DOE, nasa ₱1,031 hanggang ₱1,536 ang retail price ng LPG ngayong Setyembre, depende sa uri ng produkto, lokasyon, at kasalukuyang kondisyon ng merkado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments