Thursday, September 3, 2026

PLATIK NA MGA BASURA,GINAGAWANG ECO-BRICKS SA ALAMINOS CITY

Napapakinabangan na ang mga basurang plastik sa pamamagitan ng produksyon ng Eco-Bricks sa Alaminos City, bilang alternatibong paraan sa muling paggamit ng plastic waste at mabawasan ang dami ng basurang napupunta sa kanilang sanitary landfill.

Nagpoproseso ng shredded recycled plastics at aggregates na ginagawang Eco-Bricks ang tanggapan ng Alaminos City Environment and Natural Resources Office (ENRO) para mapakinabangan pa sa halip na tuluyang itapon.

Sa abot kayang presyo na sampung piso kada piraso, maaari na itong magamit bilang alternatibong materyales sa konstruksyon, landscaping o garden projects na naaayon sa tibay at specifications nito.

Malaking tulong ang programa sa pagtugon sa suliranin sa basura, habang nagbibigay din ng dagdag na pondo at oportunidad sa trabaho para sa komunidad.

Sa pamamagitan ng Eco-Bricks naitataguyod ang recycling, waste recovery, at mas responsableng pangangalaga sa kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments