Mahigit 7,000 indibidwal, naapektuhan ng Bagyong Maymay – NDRRMC

Umabot na sa 1,857 na pamilya o katumbas ng 7,069 na indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Maymay.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Galing ang mga naapektuhan sa Cagayan Valley.


Sa naturang bilang, 31 pamilya o katumbas ng 86 na indibidwal ang nasa evacuation center habang ang iba namang mga apektado ay nanulayan pansamantala sa kanilang mga kaanak.

Samantala, bagama’t kinumpirma na ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na dalawa ang nasawi sa Cagayan dahil sa Bagyong Maymay ay hindi pa ito nabeberipika ng NDRRMC.

Facebook Comments