ROAD CRASH | 2, sugatan sa salpukan ng dump truck at 10-wheeler truck sa QC

Quezon City – Sugatan ang dalawang katao sa banggaan ng dump truck at isang 10-wheeler truck sa IBP Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Jerwin Segalat, garbage collector at ang pahinante ng 10-wheeler truck na si Axel Anghel.

Sa lakas ng pagkakabangga, nayupi ang harapan ng 10-wheeler at nabasag ang windshield nito.


Nagkalat naman sa kalsada ang mga bubog at ilang basura.

Kwento ng truck driver na si Greg Guelas, galing siyang Montalban, Rizal at mag-o-overtake sana sa isang sasakyan nang hindi mapansin ang garbage truck.

Itinanggi ng driver na mabilis ang takbo niya, taliwas sa sinabi ng mga saksi.

Dinala na sa Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5 si Guelas na posibleng paharapin sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injuries.

Facebook Comments