Roll signing sa Cagayan de Oro ng mga bagong abogado, hanggang bukas na lang

36

Hanggang bukas na lang ang regional roll signing ng Supreme Court para sa mga bagong abogado ng bansa partikular ang isinasagawa sa isang hotel sa Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental.

Una nang inanunsyo ng Supreme Court ang pagkakaroon ng tatlong regional venues na mayroong kani-kaniyang schedule para sa paglagda ng mga bagong abogado sa Roll of Attorneys ng SC.

Habang ang ikalawang batch naman ng roll signing sa National Capital Region (NCR) ay sa Korte Suprema pa rin na sisimulan sa June 6 hanggang June 17, 2022.


Para sa successful Bar examinees na mas pinili na lumagda sa Roll of Attorneys sa Visayas, gagawin ito sa Integrated Bar of the Philippines Building sa Cebu City simula sa May 30 hanggang June 3, 2022.

Facebook Comments