Guro na nag-viral dahil sa umano’y pambu-bully sa isang Grade 5 student sa CamSur, pahaharapin sa administrative proceedings ng DepEd

355

Pahaharapin sa administrative proceedings ang guro na nag-viral dahil sa umano’y pambu-bully sa isang Grade 5 student sa unang araw ng face-to-face classes sa Camarines Norte noong Lunes.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nakausap na kahapon ng mga opisyal ng School Division Office ang mga magulang ng bata.

Tiniyak ng mga opisyal na may zero-tolerance policy ang DepEd laban sa anumang uri ng pang-aabuso at ipinaliwanag ang mga hakbang na maaaring gawin laban sa guro.


Samantala, binigyan din ng DepEd ng psychological first aid ang bata.

Habang inatasan din ang school head na magsumite ng incident report kalakip ang Child Protection Policy Intake Sheet sa kanilang regional director sa loob ng 72 oras.

Sa huli, tiniyak ni Poa na sineseryoso ng ahensya ang mga ganitong insidente.



Facebook Comments