RUSSIAN NATIONALS NINAKAWAN SA LOOB NG ISANG RESORT SA SAN FABIAN; 411K NA HALAGA NG PERA AT GADGETS TINANGAY

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng otoridad ngayon matapos ang pagnanakaw sa isang resort sa tatlong Russian nationals.
Nangungupahan ang tatlong biktima sa isang resort sa Brgy. Nibaliw Vidal sa bayan.
Rumisponde ang mga miyembro ng San Fabian PS sa lugar matapos matanggap ang report. Lumalabas sa imbestigasyon na umupa ng mga kwarto sa resort ang tatlo at matapos nito ay nagtungo sila sa syudad ng Dagupan upang kumain.

Nang makabalik ay nadiskubre na nilang nawawala na ang mga iniwan nilang gadgets at pera na nagkakahalaga ng higit 411, 000.
Hindi naman nakitaan ng anumang palatandaan na pwersahang pinasok ang mga kwarto. Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek. | ifmnews
Facebook Comments