
Ikinalugod ng House prosecution panel ang pagpapadala ng summons ng Senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte.
Bunsod nito ay umaasa ang isang miyembro ng House presecution team na si Batangas Representative Gerville luistro na matatalakay ni VP Sara sa kanyang sagot ang lahat ng isyu kaugnay sa kinahaharap nitong impeachment case.
Ayon kay Luistro, paraan ito para makita ng taumbayan ang kanyang mga depensa laban sa mga akusasyon na siyang basehan ng mga reklamong impeachment laban sa kanya na pinaboran ng Kamara at iniaakyat sa Senado na siyang tumatayong impeachment court.
Dagdag pa ni Luistro, ang pagpapadala ng summons ng impeachment court kay VP Duterte ay hudyat na tuluy na tuloy na ang impeachment trial at wala ng makakapigil pa.