Sagupaan ng Militar at NPA sa Bontoc, Mt. Province, Isa Patay sa NPA!

216

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na sagupaan sa pagitan ng militar at NPA makaraang gabi sa brgy. Mainit, Bontoc, Mountain Province.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col Ruben Guinolbay, ang Commander ng 50th IB, 502nd Infantry Brigade, 5th ID, PA, kinilala ang nasawing NPA na si Noeh Bumacas, 24 anyos at residente ng Bontoc, Mt. Province.


Tinatayang nasa tatlumpong kasapi ng KLG Marco ng NPA ang nakasagupa ng mga kasundaluhan at narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang m16 elisco rifle, mga bigas, isang sakong asukal at iba pang mga gamit ng mga nakatakas na rebelde.

Tumagal ang labanan ng mahigit anim na oras.

Ayon kay Lt. Col. Guinolbay, maaari umanong may balak magtayo ng kampo ang kanilang mga naka engkwentrong rebelde dahil sa dami ng kanilang mga dalang pagkain na naiwan matapos ang engkwentro.

Hinimok naman ni Lt. Col. Guinolbay ang lahat na huwag umanong umanib sa mga NPA dahil wala umanong magandang maidudulot ang kanilang samahan sa ating gobyerno.



Facebook Comments