Operasyon ng Pasig River Ferry, kinansela na ng MMDA dahil sa Bagyong Karding

56

Sinuspinde na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw September 26 ang operasyon ng Pasig River Ferry dahil sa sama ng panahong dulot ng Super Typhoon Karding.

Ayon sa MMDA, patuloy na mino-monitor ng ahensya ang sitwasyon sa Metro Manila at iba pang lugar.

Kasalukuyang nasa red alert ang MMDA bilang paghahanda sa epekto ng nasabing Bagyong Karding.


Inihanda na rin ng MMDA ang mga rubber boat para magamit sa isasagawang rescue sa mga pamilyang maaring maapektuhan ng Super Typhoon Karding.

Facebook Comments