Kabuuang 19 na sako ng basura ang nakolekta sa isinagawang clean-up drive sa kahabaan ng dike mula Poblacion East hanggang Cabitnongan sa San Nicolas mula sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Nakolekta ang kabuuang 19 sako ng residual waste, dalawang sako ng recyclable materials, at isang sako ng hazardous waste na agad na dinala sa Municipal Materials Recovery Facility para sa wastong disposisyon.
Nasa 42 naman ang nakilahok kung saan kinabibilangan ng mga opisyal ng Kabalikat, barangay officials, Civilian Volunteer Organization members, Barangay Health Workers, mga kabataan, at iba pang miyembro ng komunidad na nagkaisa upang mapanatiling malinis at ligtas ang kapaligiran.
Bukod sa paglilinis, nagsagawa rin ang MENRO ng orientation na tumatalakay sa tamang paghihiwalay ng basura, mga ipinagbabawal na gawain, at mga kaukulang parusa sa mga lalabag sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








