CHO DAGUPAN, NAGPAALALA UKOL SA MGA POSIBLENG SAKIT NA MAKUKUHA SA PABAGO-BAGONG PANAHON

Nagbigay paalala ang City Health Office ng Dagupan City ukol sa posibleng banta ng mga sakit kaugnay ng pabago-bagong panahon.


‎Kasabay ng nararanasang mga pag-ulan dulot ng Habagat at pabago-bagong lagay ng panahon, kabilang sa mga binabantayan ng ahensya ang mga water-borne diseases gaya ng diarrhea at lagnat, gayundin ang trangkaso, ubo, sipon, dengue at leptospirosis.


‎Ayon sa City Health Office, patuloy ang kanilang information dissemination campaign at iba pang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa komunidad.


‎Dagdag pa ng ahensya, maaaring maapektuhan ng mga naturang karamdaman ang iba’t ibang age group depende sa uri ng exposure at kondisyon ng kapaligiran.


‎Samantala, patuloy na pinalalakas ng Habagat ang posibilidad ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa habang may binabantayang weather disturbance sa labas ng Philippine Area of Responsibility.


‎Dahil dito, muling pinayuhan ng City Health Office ang publiko na panatilihing malinis ang pagkain at inuming tubig at agad magpatingin sa doktor kung makararanas ng sintomas ng sakit.


‎Patuloy namang nakaantabay ang City Health Office upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Dagupeño sa gitna ng pabago-bagong panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments