LGU MALASIQUI NAGBABALA LABAN SA ILEGAL NA PAGBEBENTA NG SUBDIVIDED LOTS

Ipinapaalala ng Lokal na Pamahalaan ng Malasiqui sa lahat ng mamamayan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at regulasyon sa pagbili at pagbebenta ng subdivided lots.

Ayon sa munisipyo, ang anumang transaksyon ng lupa na walang kaukulang permit at pag-apruba mula sa mga kinauukulang ahensya ay labag sa batas at maaaring magdulot ng administratibo, sibil, at kriminal na pananagutan.

Binigyang-diin ng LGU na ang pagbebenta ng agricultural land bilang residential lots nang walang kumpletong dokumento at permit ay ilegal. Upang masiguro ang legalidad, dapat mayroong Land Conversion Order mula sa Department of Agrarian Reform (DAR), Approved Subdivision Plan, Development Permit mula sa LGU, at Certificate of Registration at License to Sell mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ayon sa pamahalaan, ang mga lumalabag sa mga batas at regulasyon ay maaaring patawan ng kaukulang multa at pagkakakulong alinsunod sa Presidential Decree No. 957, Republic Act No. 9646, at iba pang umiiral na batas. Hinihikayat ang publiko na laging suriin at tiyakin ang legalidad ng anumang transaksyon sa lupa bago pumasok sa kontrata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments