SAMPUNG KILONG SAWA NATAGPUAN SA MANGALDAN

46

Natagpuan sa Sitio Saypan Brgy Anolid Mangaldan ang sawa na may habang dalawang metro at may bigat na tinatayang aabot sa sampung kilo ang bigat.

Sa video na kuha ng mga residente, makikita ang asawa na gumagapang sa pader ng kanilang tahanan.

Dagdag pa ng may-ari ng bahay na si Bianca Giron, narinig umano nilang tahol ng tahol ang kanilang mga aso kaya naman ng kanilang tignan ito ay nakita nila ang nasabing sawa na gumagapang.

Mag-aalas dose na rin ng gabi ng mamataan ang nasabing sawa at nagtulong-tulong ang mga residente sa sitio upang huliin ito at ligtas na nai-turn over sa Barangay hall.

Sa ngayon, ang sawa ay hawak na ng DENR- Central Office dito sa lungsod ng Dagupan. | ifmnews

Facebook Comments