TATLONG MOST WANTED PERSONS SA ILOCOS SUR AT PANGASINAN, NAARESTO NG PRO-1 ‎

Tatlong municipal-level most wanted persons ang naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 (PRO-1) sa magkakahiwalay na operasyon sa Ilocos Sur at Pangasinan noong June 4 at 5, 2026. ‎

Sa ulat ng PRO-1, unang naaresto noong June 4 ang Top 3 Most Wanted Person ng bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur sa pamamagitan ng pagpapatupad ng warrant of arrest ng pinagsanib na tracker team ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) at Provincial Intelligence Unit ng Ilocos Sur Police Provincial Office (PIU-ISPPO).

Ang suspek, na isang gumagawa ng turon wrapper at residente ng naturang bayan, ay nahaharap sa kasong Statutory Rape. ‎ ‎

Sa kaparehong araw, nadakip din ng parehong mga operatiba ang Top 4 Most Wanted Person ng Sta. Maria, Ilocos Sur. Inaresto ang suspek dahil sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness.

‎Samantala, noong June 5, naaresto ng mga tauhan ng San Fabian Municipal Police Station ang Top Most Wanted Person ng San Fabian, Pangasinan.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng P200,000. ‎ ‎Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang tatlong suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments