TATLO, SUGATAN SA BANGGAAN NG ANIM NA SASAKYAN MATAPOS BIGYANG-DAAN ANG LIBING SA ALCALA

Tatlong katao ang sugatan sa banggaan ng anim na sasakyan sa kahabaan ng Alcala-Carmen Road sa Brgy. San Nicolas, Alcala, Pangasinan noong Hunyo 6, 2026.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Alcala Police Station, magkakasunod na bumibiyahe ang anim na sasakyan nang huminto ang unang lima para bigyang-daan ang isang prusisyon ng libing na paparating umano sa kabilang direksyon.

Gayunman, hindi nakahinto ang SUV sa dulo na minamaneho ng isang 68-anyos na babae at tuluyang nabundol ang magkakasunod na sasakyan.

Nasa kabuuang anim na sasakyan ang nadamay sa insidente. Dahil dito, nasugatan ang isang motorcycle rider at dalawang pasahero ng magkahiwalay na traysikel na agad dinala sa ospital.

Lahat ng sasakyang sangkot ay dinala sa Alcala Police Station habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments