Tinanggap ng iFM Dagupan ang parangal na Best Radio Station sa ginanap na 3rd Daluyon Media Awards ng Alliance of Communication Students ng Unibersidad de Dagupan noong June 5, 2026.
Dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan ng media ang nasabing pagtitipon bilang pagkilala sa kanilang ambag sa paghahatid ng impormasyon nang may integridad at dedikasyon.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang Station Manager na si Idol Mark Espinosa sa pagkilala at pagbibigay parangal.
Ito’y dagdag inspirasyon sa station at mga empleyado na lalo pang pagbutihin ang paglilingkod sa publiko sa larangan ng pagbabalita, musika, at serbisyo publiko.
Higit sa parangal patuloy na magsisilbi ang iFM Dagupan bilang maaasahang katuwang sa paghahatid ng makabuluhan at responsableng impormasyon sa Pangasinan at mga karatig-lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








