WATER LEVEL MONITORING SYSTEM WITH AUTOMATED RAIN GAUGE, PINAG-ARALAN SA URBIZTONDO

Isinagawa ang isang pagsasanay hinggil sa tamang paggamit ng Water Level Monitoring System with Automated Rain Gauge Function na naka-install sa Imelda Bridge, bilang bahagi ng pinaigting na disaster preparedness ng Urbiztondo.

Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST), katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), ang naturang pagsasanay na ginanap sa Emergency Response Center.

Ayon sa mga opisyal, ang sistema ay isang integrated hydrological monitoring solution na maaaring gamitin sa forecasting, irrigation management, watershed monitoring, dam operations, at environmental monitoring.

Kabilang sa mga bahagi nito ang water level sensor na sumusukat sa pagtaas ng tubig sa Agno River, at automated rain gauge na sumusukat sa dami at lakas ng ulan.

Ang mga datos ay awtomatikong kinokolekta at ipinapadala sa monitoring center sa pamamagitan ng WiFi gamit ang monitoring software.

Sa pamamagitan ng sistemang ito, inaasahang magkakaroon ng real-time water level display, rainfall trends, historical reports, SMS at email alerts, at flood warning notifications na makatutulong sa maagap na pagtugon sa banta ng pagbaha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments