
Sumugod sa Senado ang iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng Akbayan Party, Magdalo, Mamamayang Liberal (ML), EveryWoman at Tindig Pilipinas para ipanawagan sa Senate Impeachment Court na agad maglabas ng subpoena sa bank at tax records ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Akbayan President Rafaela David, hindi dapat tinatago ang katotohanan dahil ang impeachment ay paghahanap ng buong katotohanan, hindi pagpili kung aling katotohanan lang ang ilalabas.
Aniya, kung makatutulong ang bank at tax records para malaman ang katotohanan, dapat itong ilantad at busisiin ng Senado.
Iginiit ni David na ang pinag-uusapan dito ay pananagutan sa paggamit ng pera ng bayan kaya’t hindi puwedeng may ebidensyang lantad at may ebidensyang ikinukubli.
Nagbabala rin ang grupo sa senator-judges sa “second envelope” controversy sa impeachment trial ni dating President Joseph Estrada nang itago ang mahalagang ebidensya ay dito na nagalit ang sambayanan.
Kaninang umaga nang biglang dumating sa Senado ang Samahan ng progresibong Kabataan o SPARK at iba pang youth group para sa isasagawang lightning rally.
Panawagan ng grupo na abrubahan ang subpoena para buksan ang tax at bank records ni Vice President Sara Duterte.










