Sandaling unilateral ceasefire, sinamantala ng walong emisaryo para makipagdayalogo sa Maute Group

170

Marawi City – Sinamantala ng walong emisaryo ang sandaling unilateral ceasefire na ipinatupad ng tropa ng pamahalaan kahapon para pumasok sa conflict zone at makipag-usap sa Maute Group.

Ayon kay Assistant Secretary for Peace Process Dickson Hermoso, na siyang nakikipag-ugnayan sa pagpapalaya ng mga sibilyan – aminado sila na sadyang mahirap tantyahin ang pakikipag-dayalogo sa grupo.

Kinailangan pa aniya nilang pahabain ang walong oras na ceasefire ng army kahapon para lang bigyang daan ang dayalogo.


Hindi na rin sila nagbigay ng detalye sa pakikipag-usap ng walong Muslim leaders sa kampo ni Abdullah Maute, isa sa mga pinuno ng Maute Group.

Samantala, sinabi ni 1st Infantry Division Spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera, nasa limang sibilyan ang napalaya mula sa ground zero kahapon.

Tiwala ang Armed Forces na mas marami pa silang mare-rescue sa pagpapatuloy pa ng mga araw.



Facebook Comments