Ayon sa Agricultural Technologist and Report Officer ng bayan ng Calasiao na si Lenette Bauzon, nasa 90-100 porsyento ng kabuuang sakahan ang apektado sa bayan.
Kabilang sa mga magsasakang apektado ng baha ay si Mang Jerry.
Ani Mang Jerry, napilita siyang dumiskarte at gawing pampasada ang kanilang traktora habang lubog pa sa baha ang kanilang sakahan.
Kung hindi nila ito gagawim ay paniguradong kakapusin sila sa kanilang pang araw-araw lalo at mas kailangan ng pera ngayong may kalamidad upang mabili ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.
Ilan lang sila sa mga apektadong magsasaka na ginamit ang kanilang kagamitang pansaka para sa alternatibong pagkakakitaan sa kabila ng kalamidad.
Samantala, tuloy-tuloy ang pagmomonitor ang mga kailugan at sitwasyon ng baha sa bayan habang patuloy pa ring nararanasan ang pag-uulan na dala ng habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






