Wednesday, May 13, 2026

SANITARY PERMIT AT HEALTH CARD, IPINATUPAD SA MGA FOOD VENDOR SA URDANETA CITY NIGHT MARKET

Mahigpit nang ipinatutupad sa mga food vendor sa Urdaneta City Night Market ang pagkakaroon ng sanitary permit at health card bilang bahagi ng hakbang ng City Health Office upang matiyak ang kaligtasan at kalinisan ng mga pagkaing inihahain sa publiko.

Kasunod nito, sumailalim ang mga vendor sa kinakailangang pagsusuri at pagproseso ng dokumento bago pahintulutang magtinda sa night market. Layunin ng programa na mapanatili ang maayos na sanitation standards at maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit na maaaring magmula sa hindi ligtas na paghahanda ng pagkain.

Ayon sa mga awtoridad, mahalagang bahagi ng kampanya ang mahigpit na pagsunod sa health at sanitation protocols upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili, lalo na sa mga pampublikong pook na dinarayo tuwing gabi.

Patuloy namang hinihikayat ang lahat ng food vendor na sumunod sa mga itinakdang alituntunin bilang suporta sa ligtas, malinis, at maayos na operasyon ng night market sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments