Wednesday, May 13, 2026

DANCESPORTS DEVELOPMENT PROGRAM PARA SA MGA KABATAAN, OPISYAL NANG BINUKSAN SA ALAMINOS CITY

Pormal nang binuksan, kahapon, May 12, ang One North Luzon (ONL) Grassroots Dancesport Development Program sa Brgy. Pocalpocal, Alaminos City, Pangasinan sa pangunguna ng Philippine Dancesport Federation Inc. – North Luzon Chapter katuwang ang City Government of Alaminos.

‎Buong suporta ng lokal na pamahalaan sa programang layong tuklasin at hubugin ang talento ng kabataan sa larangan ng dancesport, lalo na sa mga komunidad na kulang sa oportunidad.

‎Dumalo rin sa pagbubukas Schools Division Superintendent, kasama ang mga coaches at guro na aktibong sumusuporta sa mga estudyanteng nais matuto ng dancesport.

‎Isasagawa ang programa sa loob ng limang araw at inaasahang makatutulong sa paglinang ng disiplina, teamwork, at sportsmanship ng mga kabataang kalahok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments