SAPAT | Presyo ng bigas sa Iligan, stable pa

Iligan – Stable pa ang presyo ng bigas na mabibili sa mga merkado sa lungsod ng Iligan.

Ito ang kinumpirma ni City Agriculturist Octavios Molo base na rin sa resulta ng kanilang ginawang monitoring noong nakaraang araw sa mga merkado.

Ayon kay Molo, walang paggalaw ng presyo ng bigas sa lungsod dahil sapat pa umano ang supply ng mga negosyante na naimbak noong nakaraang taon.


Pero sinabi ni Molo aasahan ng mga iliganon ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga bigas sa darating mga araw kung gagalaw o tataas na rin ang presyo ng petrolyo.
Ito’y dahil may malaking epekto sa presyo ng mga bilihin kung tataas ang presyo ng petrolyo

Facebook Comments