Thursday, September 10, 2026

VP Sara, dumulog na sa Korte Suprema kaugnay sa usapin ng immunity sa kaso — DOJ

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na walang immunity mula sa kaso ang bise presidente.

Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng kinakaharap na kasong grave threats ni Vice President Sara Duterte said Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay DOJ Secretary Eric Vida, sa ilalim ng Konstitusyon ay tanging si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lamang ang may immunity from suit.

Samantala, kinumpirma rin ni Vida na idinulog na ni VP Sara sa Korte Suprema ang usapin ng immunity sa kaso ng isang impeachable na opisyal.

Sa kabila nito, nanindigan ang kalihim sa kanilang posisyon na tanging ang pangulo ang saklaw ng hindi pwedeng kasuhan habang nakaupo sa pwesto.

Ikinalulungkot naman ni Vida ang pahayag ni Duterte noong maghain ng piyansa na “I don’t feel safe” at wala siyang tiwala sa korte.

Kinasuhan si VP Sara dahil sa pahayag nito na may kinontrata na umano siya para patayin sina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kaniya.

Facebook Comments