SAWI | Magkapatid na lider ng drug syndicate sa Cebu – patay sa buy bust operation

162

Manila, Philippines – Patay ang magkapatid na hinihinalang lider ng drug syndicate sa Cebu City.

Kinilala ang dalawa na sina Joseph at Romeo Oralde.

Ayon kay Supt. Glenn Mayam, hepe ng Central Visayas Drug Enforcement Group – lider ng Oralde drug group sa Central Visayas ang magkapatid.

Nasawi sila matapos manlaban sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Duljo Fatima.

Narekober sa inuupahan nilang bahay ang 5-milyong pisong halaga ng shabu.

Sugatan naman sa operasyon ang kaibigan at umano ay runner ng magkapatid.

Facebook Comments