PAALALA | Ilang kalsada sa Maynila – Isasara sa Linggo

26

Manila, Philippines – Ilang kalye sa Maynila ang pansamantalang isasara para bigyang-daan ang aktibidad ng Iglesia Ni Cristo na “Worldwide Walk to Fight Poverty” sa Linggo, May 6.

Sa abiso ng MPD-Manila District Traffic Enforcement Unit – alas 10 pa lang ng gabi sa May 5, isasara na ang:

– East at westbound lane ng P. Burgos mula Roxas Blvd papuntang Lagusnilad
– Magkabilang kalsada ng finance road mula Taft Ave. Papuntang P. Burgos
– Westbound lane ng pres. Quirino mula taft ave. Papuntang roxas blvd
– North at Southbound lane ng Bonifacio drive mula Anda Cirle papuntang P. Burgos
– North at Southbound lane ng Roxas Blvd mula P. Burgos papuntang P. Ocampo

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan na muna sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments