Sen. Bong Go, tiniyak ang tuloy-tuloy na pagtatrabaho at serbisyo sa Senado

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na tuloy lamang siya sa kanyang pagtatrabaho at pagbibigay serbisyo sa mga kababayan habang nasa Senado.

Ang reaksyon ay matapos na manguna ni Go sa mga tumatakbong senador sa katatapos na 2025 midterm elections.

Sa tingin ni Go, mukhang mas gusto ng mga tao ang trabaho lang nang trabaho na kanyang ginagawa dahilan kaya nag-number 1 siya sa senatoriables.

Maaari aniyang mensahe na rin ito sa iba pang politiko na unahin ang pagtatrabaho at isantabi na ang mga gulo.

Sinabi pa ni Go na hindi naging madali para sa kanya ang kampanya at naging malaking hamon sa kanya ito dahil wala silang entablado at nagtulungan na lamang sila para mag-motorcade o makapag-ikot sa mga sorties.

Panghuli, sinabi pa ni Go na hindi siya mangangako bilang politiko subalit gagawin niya nang mabuti ang kanyang trabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Facebook Comments