
Pormal nang idineklara ni Atty. Jethmal Dayaldas, Malabon City Election Officer, ang mga bagong halal na opisyal ng Lungsod ng Malabon.
Ito’y matapos ang matagumpay na lokal na halalan ngayong 2025 kung saan ginanap ang proklamasyon sa Session Hall sa ika-6 na palapag ng Malabon City Hall.
Kabilang sa mga opisyal na pinroklama ay sina Incumbent Mayor Jeannie Sandoval para sa kanyang ikalawang termino, Vice Mayor Edward Nolasco, at Congressman Lenlen Oreta.
Si Mayor Sandoval ay nakakuha ng kabuuang boto na 120,757 habang ang nakatunggali nito na si dating Congw. Jaye Lacson-Noel ay mayroon lamang 65,496 na boto.
Dahil sa panalo, muling inihayag ng alkalde na kaniyang ipagpapatuloy ang lucky 9-point agenda para palakasin ang ekonomiya, kabuhayan, negosyo, trabaho at libreng serbisyong kalusugan sa Malabon.