Sen. Dela Rosa, huling sakay na pasahero nang bumagsak na chopper sa Nueva Ecija

Kinumpirma ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang huling pasahero ng chopper na bumagsak sa Nueva Ecija kung saan patay ang sakay na piloto.

Ayon kay Dela Rosa, nagboluntaryo na ihatid siya ng piloto para sa dadaluhang event sa Baguio City kasama ang dalawa sa kanyang security personnel.

Paliwanag ni Dela Rosa, personal niyang kilala ang piloto at matalik niyang kaibigan at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ama nito.


Sinabi ng senador na pinick-up siya sa Imus, Cavite at naging smooth at masaya ang kanilang flight at wala siyang napansin na “unusual” o kakaiba habang nasa chopper.

Pagkalapag aniya sa kanya sa Baguio ay umalis na rin ang chopper pero sa kanyang pagkakaalam ay dumaan pa ito sa Pangasinan bago nabalitaan na nag-crash nga ito sa Guimba, Nueva Ecija.

Dagdag pa ng mambabatas, nadudurog ang kanyang puso dahil kagabi lang ay naroon na siya sa burol at kasama ang mga magulang ng piloto.

Facebook Comments