
Muling nanawagan ang pamilya Veloso sa pamahalaan na bigyan na ng clemency si Mary Jane Veloso.
Sinabi sa DZXL RMN News ni Ginoong Cesar Veloso na 17 taon nang pinagsilbihan ni Mary Jane ang kaso na hindi naman niya ginawa.
Iginiit din ni Ginoong Veloso na libu-libong mga liham na ang pinadala nila kay Pangulong Bongbong Marcos pero hanggang ngayon aniya ay walang tugon ang presidente.
Si Mary Jane ay magdadalawang taon nang nakakulong sa Pilipinas matapos nitong pagsilbihan ang kanyang sentensya sa Indonesia.
Facebook Comments










