Pangulong Rodrigo Duterte, naka-quarantine matapos ma-expose sa isang COVID positive!

Na-expose si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang household staff na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng MalacaƱang kung saan naka-quarantine na ngayon ang Pangulong Duterte habang hinihintay ang resulta ng kanyang swab test.

Sa kabila nito, inihayag ng MalacaƱang na patuloy na magta-trabaho ang chief executive at makikipag-ugnayan sa kanyang gabinete.


Partikular aniya na tututukan ng pangulo habang naka-quarantine ang implementasyon ng governmentā€™s COVID-19 response.

Facebook Comments