
Nilinaw ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na hindi siya nagrereklamo matapos niyang sabihin na pagod na pagod na siya sa trabaho sa Senado.
Paliwanag ni Zubiri, naging candid o totoo lamang siya sa naramdaman dahil ngayon lang nangyari na tatlong mahahalagang trabaho ang sabay-sabay na ginagampanan nilang mga senador.
Ang mga ito ay ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang plenary sessions at ang budget hearings.
Pero paglilinaw ng senador hindi siya nagrereklamo sa kanyang tungkulin at gagawin nilang mga senador ang mga dapat na gampanang trabaho.
Wala aniyang dapat ipag-alala ang publiko kahit pa siya ay lokohin at pagtawanan dahil gagawin pa rin nila ang kanilang tungkulin para sa mga kababayan.
Si Zubiri ang kasalukuyang majority leader at kinakailangan siyang present palagi bago magsimula at hanggang sa matapos ang sesyon sa plenaryo.










