Sen. Robinhood Padilla, handang sumunod sa magiging desisyon ng liderato ng Senado sa impeachment case ni VP Sara

Handa si Senator Robinhood Padilla na sumunod sa magiging pasya ni Senate President Chiz Escudero tungkol sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ipinauubaya ng senador na kilalang kaalyado ng PDP-Laban kay Escudero ang desisyon hinggil sa mga panawagan sa Senado na simulan na agad ang impeachment trial laban kay VP Duterte.

Tiniyak ni Padilla na nakahanda siyang tumugon sa kung anong magiging pasya rito ni SP Escudero.

Hihilingin din ni Padilla kay Escudero na makapagbigay sila ng mungkahi tungkol sa impeachment rules.

Sang-ayon ang senador na amyendahan ang senate impeachment rules lalo’t masyado nang matagal o hindi na updated ang mga nakalatag noon pa na alituntunin sa paglilitis ng impeachment.

Facebook Comments