Senado, iginiit na mas mataas pa rin ang confidential fund ng NICA kumpara sa DepEd

98

Hindi naniniwala si Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na mas mataas ang confidential funds ng Department of Education (DepEd) kumpara sa confidential funds ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni Senator Risa Hontiveros na mas mataas pa ang confidential funds ng DepEd na nasa P150 million kung ikukumpara sa P141.2 million na confidential funds ng state intelligence agency.

Pero giit ni Angara, na siyang mag-i-sponsor ng 2023 budget ng NICA sa plenaryo, higit pa sa P142 million ang intel funds ng NICA at mas mataas ito kumpara sa confidential funds ng DepEd.


Inaprubahan naman na ng Finance Committee ang pondo ng NICA sa susunod na taon na may P1.058 billion at ang 2023 budget ng National Security Council (NSC) na may P343.3 million.

Closed-door o isinagawa naman sa isang executive session ang pagtalakay sa budget ng NICA at NSC.

Paliwanag ni Angara, ito ay dahil iniulat ng dalawang ahensya kung saan nila ginastos ang pondo at may kinalaman din ito sa national security ng bansa.



Facebook Comments