Senado, umapela sa mga mag-aaral na magsuot pa rin ng facemask kahit sa loob ng silid-aralan

Direktang umaapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa mga mag-aaral na magsuot pa rin ng facemask kahit sa loob ng silid-aralan.

Ang pakiusap ni Go ay kaugnay na rin sa pagpayag ng Department of Education (DepEd) sa mga estudyante na tanggalin ang mga facemasks kahit nasa loob ng mga paaralan.

Giit ni Go, tulad ng kanyang mga naunang panawagan ay hindi pa rin dapat maging kampante dahil ang banta ng COVID-19 na isang kalaban na hindi naman nakikita ay naririyan pa rin.


Panawagan ni Go sa mga kabataan na kung hindi naman sagabal o pahirap ay magsuot pa rin ng facemask kahit pa sa loob ng mga eskwelahan.

Paliwanag ng mambabatas, hindi lamang ito dagdag na proteksyon para sa ating mga sarili kundi para sa ating mga kapamilya at kasama sa tahanan na may mahinang resistensya, matatanda, sakitin at mga hindi pa bakunado.

Facebook Comments