
Nanawagan si Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino na sunod na suspendihin ng Department of Transportation (DOTR) ang pagtataas sa singil sa tollways.
Ang apela ng Senador ay matapos ipasuspindi ni DOTR Sec. Vince Dizon ang cashless transaction sa mga tollways na itinuturing na anti-poor ng marami.
Hiling ni Tolentino na sunod namang ideklara ni Dizon at ng Toll Regulatory Board (TRB) ang suspensyon sa pagtataas ng toll fees na malaking tulong para sa mga motoristang madalas na gumagamit o dumadaan sa mga expressways.
Naunang sinuportahan din ng ilan pang senador ang hakbang ni Dizon na suspendihin ang cashless payment sa mga tollways na nakatakda sanang ipatupad sa March 15.
Matatandaang pinasuspindi ni Dizon ang cashless collection policy sa mga tollways sa mga expressways at pinatututukan ng kalihim ang mga problema at pagsasaayos ng Radio Frequency Identification (RFID) system sa mga toll gates.