Senador, may paalala sa mga uniformed personnel tungkol sa pagsunod sa mga utos

Nagpaalala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga uniformed personnel na huwag sumunod sa mga utos na sa tingin nila ay “unconstitutional” o labag sa ating Konstitusyon.

Paalala ng senador, ang tungkulin ng mga unipormadong tauhan ay pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan.

Gayunman, aminado si Dela Rosa na may sitwasyong sumusunod lamang sila sa mga kautusan mula sa nakatataas.


Subalit sakali namang umabot sa punto na ang utos na ibinibigay ay unconstitutional na at malinaw na may nilalabag na batas ay mabuting pagisipan muna ito ng ating nga sundalo at pulisya.

Samantala, sa April 10 o ngayong darating na Huwebes itinakda ang susunod na pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay pa rin sa ginawang pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan inaasahan na magpa-participate pa rin dito ang senador.

Facebook Comments