Senate President Sotto, umiinom din ng Ivermectin bilang proteksyon laban sa COVID-19

243

Katulad ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ay inamin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na umiinom din sya ng Ivermectin isang beses kada-dalawang linggo.

Naniniwala si Sotto na makakatulong ang Ivermectin para mapigilan na mahawa siya ng COVID-19.


Binanggit ni Sotto na mayroon din syang kakilala na tinamaan ng COVID-19 ang nawala ang sintomas at gumaling matapos umanom ng Ivermectin sa loob ng tatlong araw.

Binalaan din ni Sotto na malalagot ang mga nagsasamantala at nagtaas sa presyo ng bawat capsule ng Ivermectin sa 250-pesos mula sa dapat na presyo nitong 35 pesos lang bawat capsule.

Umaasa si Sotto na pagtutuunan ng pansin ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang mga lumilitaw na maaring gamot o prevention sa COVID-19 tulad ng Ivermectin at VCO.

Facebook Comments