Senator Bong Go, naniniwalang kuntento ang publiko sa pamamalakad ng Duterte administration kaya’t nakuha ang mataas na satisfactory rating

 

Naniniwala si Senador Bong Go na kuntento ang taumbayan sa pamamalakad ng Duterte administration kaya napapanatiling mataas ang satisfaction rating nito.

 

Reaksyon ito ni Senator Go matapos makuha ni Pangulong Duterte  ang  80% satisfactory rating base sa pinakahuling survey ng SWS.

 

Nagpaabot ng pagbati ang senador kay Pangulong Duterte at sa kanyang gobyerno na patuloy na magbibigay pa ng ibayo pang serbisyo.


 

Aniya 8 out 10 sa mga Pilipino ang nagustuhan ang kanyang pamamalakad.

 

Nagagawa na aniya ng mga tao ngayon na maglakad at nakakauwi ng kanilang bahay ng ligtas at walang nananakit sa kanila.

 

Asahan pa raw na lalo pang magsisipag ang pangulo sa kanyang trabaho at tiniyak na tutulungan niya ito.

 

Doon naman sa mga hindi pa kuntento, pagtiyak ng senador na pagbubutihin pa ng administrasyon ang kanilang trabaho.

 

Ginawa ng senador ang pahayag matapos dalawin ang mga pamilyang nasunugan sa Sta Cruz Maynila noong isang araw.

 

Binigyan nito ng cash assistance at mga grocery items ang mga fire victims at iba pang alok na makaagapay sa kanilang kabuhayan.

Facebook Comments