Pagtatalaga ng bagong chairman ng CBFSC, tinatalakay na ng COMELEC

Tinatalakay na ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang pagtatalaga ng bagong chairman ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC).

Ito ay matapos magbitiw bilang chairman ng komite si Comelec Commissioner Socorro Inting.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, susubukan ng komisyon na kausapin si Inting na manatili sa pwesto.


Kung ayaw na aniya ni Inting, maaring magtalaga na ang COMELEC ng bagong chairman ng komite.

Una nang nagbitiw bilang chairman ng komite si Inting matapos magpasya ang komisyon na ibigay kay Chairman Saidamen Pangarungan ang pagpapasya ng mga bibigyan ng gun exemption ngayong panahon ng halalan.

Facebook Comments