Senator Imee Marcos, nagpositibo sa COVID-19

68

Nagpositibo sa sakit na COVID-19 si Senator Imee Marcos.

Kinumpirma ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna ng sesyon sa Senado.

Ayon kay Zubiri, sumulat si Marcos para ipaabot na siya ay nagpositibo sa sakit.


Nakakaranas din ngayon ng mataas na lagnat ang senadora kaya humingi ito ng permiso kung kailangan pang humarap ‘on cam’ sa virtual session ng Mataas na Kapulungan.

Hiniling na lamang ni Zubiri kay Marcos na i-acknowledge ang kanyang presensya sa online para mamarkahan itong present.

Sa ngayon ay dalawang senador na ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan nauna rito si Senator Alan Peter Cayetano.



Dahil magkakasunod na naman ang mga naitatalang positive cases sa Senado kasabay ng pagtaas din ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay nagpatupad ng mahigpit na health at safety protocols ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Facebook Comments