Senator Pacquiao, excited at handa na sa mga presidential debates

101

Handa at excited na sa mga presidential debates si PROMDI standard bearer Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, ang mga debate ng mga gustong mamuno sa ating bansa ay isang magandang paraan upang mailahad ang saloobin, layunin at programa ng mga kandidato para sa bayan at para sa mamamayan.

Dagdag pa ni Paquiao, maganda ring venue ang mga debate upang maipaalam sa mga kababayan ang mga bagay na nagawa ng mga kandidato bago pa man sila pumasok sa politika.


Sabi ni Pacquiao, maidedetalye rin nila sa debate kung ano ang mga gagawin pa para naman guminhawa ang buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments