SENIOR CITIZEN, PATAY MATAPOS MADAGANAN NG PUNO SA GITNA NG BAGYONG FLORITA

29
Nasawi ang isang senior citizen matapos madaganan ng puno sa gitna ng bagyong Florita sa Sto. Niño, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Bernardino, 63 taong gulang at residente ng Brgy. Abariongan Ruar, Sto. Niño, Cagayan.

Ayon sa PNP at MDRRMO na rumesponde sa itinawag na insidente, natagpuang nadaganan ng puno ng Kaimito at wala ng buhay ang matanda malapit sa kanilang tirahan.

Napagalamang nasa bundok umano ang biktima kasama ang kanyang kaanak na si Erenio Raguimin noong hapon ng Agosto 23, ngunit magpaalam ito na uuwi sa kanilang bahay.

Sinubukan umano pigilan ni Erenio ang biktima na bumalik sa kanilang bahay dahil malakas ang hangin at ulan dulot sa nararanasang bagyo ngunit umuwi pa rin itong mag-isa.

Kinaumagahan ay natagpuan nalamang ni Erenio ang matanda na nadaganan ng puno at patay na habang nagsasagawa ng clearing operation.



Agad niyang ipinaalam sa mga barangay officials ang nangyari na itinawag naman ang insidente sa kapulisan at sa MDRRMO upang marespondihan.

Facebook Comments