Pansamantalang naapektuhan ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Zone 3, Barangay Catablan matapos bumagsak ang isang puno ng mangga na humarang sa kalsada dulot ng patuloy na pag-ulan.
Agad namang isinagawa ang clearing operations upang alisin ang natumbang puno at maibalik ang maayos na daloy ng mga sasakyan sa nasabing lugar.
Habang isinasagawa ang paglilinis, pinapayuhan ang mga motorista, lalo na ang mga biyaheng patungong Sta. Barbara at mga papasok o palabas ng Labit, na mag-ingat sa pagdaan at gumamit muna ng alternatibong ruta kung kinakailangan.
Nagpasalamat naman ang mga awtoridad sa mga opisyal ng Barangay Catablan at mga residente na agad tumugon at tumulong sa mabilis na pag-alis ng sagabal sa kalsada.
Pinaalalahanan ang publiko na manatiling maingat sa pagbiyahe lalo na sa panahon ng tuloy-tuloy na pag-ulan upang maiwasan ang anumang insidente sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










