SHOWBIZ BALITA | Kris Aquino, pinayuhan ng isang netizen hinggil sa mga balimbing nitong mga kaibigan; Sunshine Cruz, masayang ipinost ang kaniyang college diploma

Manila, Philippines – Sinagot ngayon ng queen of all media na si Kris Aquino ang isa sa mga netizen na nagbigay babala sa kaniya.

Say kasi ng netizen na may instagram user na @mmaamaslove, mag-ingat daw si Kris dahil siguradong maglalabasan na ang mga balimbing daw niyang friends matapos ang napabalitang pagbabalik nito sa telebisyon.

Agad naman sumagot si Kris at sinabing huwag daw maliitin ang kaniyang katalinuhan at alam na daw niya ang dapat gawin lalo na at marami siyang natutunan in the past.


Sa ngayon, busy si Kris sa upcoming TV project at hindi naman nito sinabi kung kailan siya babalik.

Samantala, very happy and proud ngayon ang hot momma na si Sunshine Cruz nang matanggap niya ang kaniyang college diploma.

Ipinost ng actress sa kaniyang instagram account ang kaniyang diploma mula sa Arellano University sa kursong psychology.
Nagpost pa ito ng throwback photo sa kaniyang pagtatapos na ginanap sa Philippine International Convention Center noong nakaraang taon.

Facebook Comments