SINGIL SA KURYENTE NG DECORP, MULING TATAAS NGAYONG BUWAN NG HULYO

23
Muling magkakaroon ng taas singil sa kuryente ang pamunuan ng Dagupan Electric Corporation ngayong buwan ng Hulyo.
Sa inilabas na abiso ng DECORP, nasa 8. 4991 pesos per kilowatt hour ang generation rate ngayong Hulyo kung saan mayroong pagtaas na 1.1178 pesos kada kilowatt hour.
Ang pagtaas sa presyo ng petroleum products ang nakikitang dahilan sa pagtaas ng generation rate.

Sakop ng DECORP ang Calasiao, Sta. Barbara, San Jacinto, San Fabian at Dagupan City. | ifmnews
Facebook Comments